Mga drayber na apektado ng ECQ sa Pasig, makatatanggap na ng ayuda

MAKATATANGGAP na ng ayuda simula sa susunod na linggo ang mga public transport driver na apektado ng enhanced community quarantine (ecq) sa lungsod ng Pasig.

Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, simula sa Lunes ay ipamamahagi na ang tig-P3,000.00 financial assitance sa kada apektadong tsuper.

TULONG-PINANSYAL PARA SA MGA PUBLIC TRANSPORT DRIVERS NA APEKTADO NG COMMUNITY QUARANTINE.P3,000 eachx(12,000…

Posted by Vico Sotto on Thursday, 26 March 2020

Kabilang aniya sa pagkakalooban ang 5,800 jeepney drivers, 12,000 tricycle drivers at 700 UV drivers. Sinabi ni Sotto na P55.5-M ang kabuuang halaga ng ipamimigay na tulong.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.