Mga driver ng luxury car na may PNP logo, isailalim sa citizen’s arrest –PNP Chief

Mga driver ng luxury car na may PNP logo, isailalim sa citizen’s arrest –PNP Chief

HINIMOK ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ang publiko na isailalim sa citizen’s arrest ang mga driver ng luxury car na gumagamit ng logo ng pambansang pulisya.

Ito ay matapos mag-viral sa social media ang isang Alphard na may logo ng PNP at kalaunan ay napag-alaman na pagmamay-ari ng isang kumpanya na ipinasa sa ibang may-ari.

Ayon kay Azurin, hindi gumagamit ng Alphard ang PNP dahil tanging Innova, Grandia, Commuter Van at iba pang utility pick-up ang nasa kanilang inventory.

Hindi aniya dapat hayaan ng publiko ang isang luxury car na gumagamit ng PNP logo at lumalabag sa batas-trapiko.

Nabatid na mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng logo ng PNP at ibang ahensya o tanggapan ng gobyerno sa ilalim ng Article 179 ng Revised Penal Code.

Follow SMNI NEWS in Twitter