BUMUHOS ang emosyon sa mga dumalo sa Prayer Rally para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Santiago, Isabela habang sinasalaysay ni Senator Bong Go ang kalagayan ng dating Pangulo sa isang banyagang bansa.
Matatandaang, sapilitang isinakay at inilipad si FPRRD patungong The Hague, Netherlands dahil sa kasong Crimes against Humanity sa ilalim ng War on Drugs nito noong nakaraang administrasyon
Nauna nang sinabi ni Duterte na wala siyang ginawang kasalanan sa mga Pilipino.