Mga empleyado na nakatira sa labas ng Metro Manila, papayagang makapasok sa lungsod

PAPAYAGAN pa ring makapasok at magtrabaho ang mga empleyado na nakatira sa labas ng Metro Manila.

Ito ay kahit may community quarantine sa Maynila.

Ayon kay Department of Interior and Local Government Sec. Eduardo Año, kailangan paring dumaan ang mga ito sa gagawing checkpoint.

Kailangan din aniya na ipakita ang kanilang ID na nagpapatunay na mga empleyado sila sa loob ng Metro Manila.

Gagabay naman ang Department of Transportation para sa social distancing sa pagbiyahe ng mga ito sa paglabas at pagpasok sa lungsod.

Hinimok naman ng kalihim na mag-work at home nalang ang mga empleyado na maaaring gawin sa pamamagitan ng internet ang kanilang mga trabaho.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.