Mga empleyado na ayaw magpabakuna, hindi maaaring patalsikin —DOLE

BINALAAN ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III ang mga employer laban sa pagpatalsik sa mga empleyado na tumangging magpabakuna ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Bello, ang pagtanggi ng isang empleyado sa pagpabakuna ay hindi dahilan upang matanggal sa trabaho.

“There is no legal basis for an employer to require workers to be vaccinated before they enter the workplace,” ani Bello.

“No Vaccination, No Work”

Samantala, binatikos ng Associated Labor Unions (ALU) ang “no vaccination, no work” policy na lumitaw matapos sinimulan ng gobyerno ang vaccination drive sa mga frontline workers.

Ayon sa ALU, nagbabala ang ilang kompanya na hindi maaaring pumasok sa trabaho ang mga empleyado maliban na lamang kung magpabakuna ang mga ito laban sa COVID-19.

Dagdag pa ng ALU, ilang kompanya ang nagbabala sa mga empleyado nito na mailipat sa ibang sangay na kompanya o sapilitang ilagay sa pansamantalang ‘leave’ hanggang sa sila ay mabakunahan.

Sinabi ng ALU, ang mandatoryong pagpababakuna ay “a form of coercion and discrimination that violates the worker’s right to freely decide with regard to their health and well-being.”

Mag-isyu naman ang DOLE ng official guidance laban sa mandatory vaccination ng mga kompanya.

“They can’t make mandatory. It’s up to the employee to say whether he will get vaccinated,” ayon kay Bello na tinukoy ang pagbabakuna.

“The refusal to be vaccinated is not ground for termination,” dagdag niya.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.