PINAALALAHANAN ni DOLE Occupational Safety and Health Center (OSHC) Executive Director Noel Binag ang mga employer na sigurihin na ligtas ang mga lugar ng trabaho ng kanilang mga manggagawa.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Binag na dapat hindi na-e-expose sa mga sakit o magdudulot ng aksidente ang pinagtatrabahuhan ng mga empleyado.
Ayon kay Binag, maaring pagmultahin ng P20,000-P100,000 kada araw ang lahat ng negosyo at office establishments na hindi susunod sa requirements sa ilalim ng OSHS Act.
Pinayuhan naman ni Binag ang mga empleyado na nakaaksidente habang nasa trabaho na lumapit sa Employees Compensation Commission upang mabigyan sila ng sapat na medical attention at financial assistance.