Mga establisimyentong hindi pa bakunado ang mga empleyado, ipasasara —DILG

Mga establisimyentong hindi pa bakunado ang mga empleyado, ipasasara —DILG

IPINAPAALA sa mga may-ari ng negosyong nagbukas habang nasa Alert Level 4 ang Metro Manila na dapat ay bakunado ang kanilang mga empleyado.

Nagsimula ng mag-operate ilang mga negosyo tulad ng restaurant, barber shops at salons sa Metro Manila sa ilalim ng GCQ Alert Level 4.

Mahigpit na ipinatutupad ang health protocols sa mga establisimyento upang maiwasan ang COVID-19 surge sa naturang rehiyon.

Batay sa guidelines na inilabas ng IATF kinakailangan na magprisinta ng vaccination card ang mga nais mag-dine in o pumasok sa mga personal care establishments.

Pero paalala  ng Department of Interior Local Government (DILG), hindi maaring mag-operate ang mga dine in, barber shops, salons at iba pang personal care services kung hindi pa fully vaccinated ang kanilang mga empleyado.

Babala ng DILG na ipasasara ang mga negosyong lalabag sa naturang patakaran.

San San Juan City ay naglabas ang pamahalaang lokal ng Executive Order na sususpendehin o babawiin ang mga business permits ng mga negosyong lalabag sa bagong guidelines ng IATF.

Ayon sa DILG dapat i-monitor ng Business Licensing and Permit Office at Barangay ng lungsod ang nga negosyo at pwede rin i-report sa DILG.

BASAHIN: Business establishments sa San Juan City, magbubukas sa ilalim ng GCQ Alert Level 4

SMNI NEWS