SA murang edad mahilig na sa SA murang edad mahilig na sa robots ang Grade 6 student na si Pedro.Ganoon din ang magkaklase na si Brianna at Zakiah.Pangarap…s ang Grade 6 student na si Pedro.
Ganoon din ang magkaklase na si Brianna at Zakiah.
Pangarap ng tatlo na makaimbeto ng kanilang sariling robot.
“For me I feel like a robot, parang a robot trash can. Because right now po the Philippines is one of the worst countries for trash pollution,” saad ni Pedro Yapjoco, Representative, Xavier School of San Juan.
“Our team wants to build a robot that can, malaki kasi yung pangarap namin, like reach the moon,” ani Zakiah Kiersten Bondoc, Representative, Nemesio I. Yabut Elementary School.
“I would want a robot that could do a certain task for me so I wouldn’t do that to myself,” ayon kay Brianna Candice Yumuk, Representative, Nemesio I. Yabut Elementary School.
Sina Pedro, Zakiah, at Brianna ay ilan lamang sa mga estudyante mula sa iba’t ibang pampubliko at pribadong paaralan sa Metro Manila na sumabak sa tatlong araw na Philippine VEX Robotics National Championship.
Nagtagisan ng galing at talento ang mga estudyante mula elementary hanggang senior high school sa pag-program ng robot kung saan ang mga ito ay may kukumpletuhing challenges.
Ang mananalo sa nasabing kumpetisyon ay may tsansang maging kinatawan ng Pilipinas sa VEX Robotics World Championship na gaganapin sa Dallas, Texas.
Batay sa mga nakausap naming mga coach, malaki ang potensiyal ng mga kabataang Pilipino pagdating sa robotics.
“Ang skills nandoon eh.”
“Hindi nahuhuli ang mga Pilipino. Nakikipagsabayan tayo talaga kahit saan,” ayon kay Normal Talavera, Robotics Coach, Nemesio I. Yabut Elementary School.
Pagkakaroon ng robotics program sa basic education, mahalaga—SEAMEO INNOTECH
Binigyang-diin ni SEAMEO INNOTECH Centre Director Dr. Leonor Briones na mahalaga ang pagkakaroon ng robotics program sa basic education upang maihanda aniya ang mga estudyante sa totoong buhay lalo na sa panahon ngayon.
“Hinahanda natin ‘yung ating mga kabataan para sa totoong nangyayari ngayon sa mundo. Everywhere else, I mean in many countries, there are into robotics already. Gusto natin ma-secure ang kanilang employment opportunities,” saad ni Dr. Leonor Briones, Centre Director, SEAMEO INNOTECH.
“Too late kung college na. Kailangan elementary pa,” pahayag ni Dr. Leonor Briones, Centre Director, SEAMEO INNOTECH.
Ayon sa ilang pribadong sektor, malawak ang oportunidad sa trabaho sa nasabing sektor.
“Since we are into industry 4.0 and industry 5.0 we require different skills na ‘yung mga high end skills na like robotics application, AI, automation,” wika ni Engr. Joyce Allan Guingab, Technical Specialist Manager, Hytec Power Inc.
“That will be a big opportunity sa lahat ng mga estudyante na nandito ngayon,” ayon kay Engr. Joyce Allan Guingab, Technical Specialist Manager, Hytec Power Inc.
Sa gitna ng mabilis na pag-evolve ng mundo tungo sa digitalization, innovation at pag-usbong ng artificial intelligence, nagbabala naman si Dr. Briones sa magiging banta ng mga ito lalo na sa paglikha ng mga robot.
“Never, never forget para kanino ‘yung mga robots. Ang mga robots tools iyan sila. They are our servants.”
“Ang mangyayari niyan baka ma-edge out tayo kasi nag-create na tayo ng thinking robots.”
“That is a danger,” ani Dr. Leonor Briones, Centre Director, SEAMEO INNOTECH.
Upang hindi aniya humantong sa nasabing sitwayson, binigyang-diin ng opisyal ang pagkakaroon ng balanse sa pagitan ng teknolohiya at araling pantao.
“Huwag nating ihiwalay ang arte, ang sining, ang humanities sa technology. Otherwise ang next stage ng libro ni Herrari will be robots ruling us already,” ani Briones.