Mga estudyante ng UP-Diliman, pinag-iingat matapos ang insidente ng pananaksak sa loob ng campus

Mga estudyante ng UP-Diliman, pinag-iingat matapos ang insidente ng pananaksak sa loob ng campus

PINAG-iingat ngayon ng University of the Philippines (UP)-Diliman campus ang kanilang mga estudyante.

Kasunod ito sa insidente ng pananaksak sa loob ng campus.

Nangyari ang pananaksak alas otso ng gabi nitong Hulyo 8 sa National Science Complex ng paaralan.

Agad namang nadala sa ospital ang biktima at dinagdagan ang security personnel para bantayan ang buong UP-Diliman.

Paalala pa ng paaralan sa kanilang mga estudyante, huwag mag-atubili na mag-report ng kahina-hinalang tao, bagay o pangyayari sa UPD Public Safety and Security Office at UPD Police.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble