DAPAT ‘wag nang paaralin ang mga estudyanteng ayaw magserbisyo sa militar.
Ito ang binigyang-diin ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Juan Ponce Enrile sa kaniyang programa sa SMNI News.
Kaugnay ito sa survey na inilabas ng Social Weather Stations (SWS) survey kung saan halos kalahati sa mga Pilipino ang nais na gawing ‘optional’ lamang ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC).
Ani Enrile, kung siya ay masusunod, ito ang kaniyang gagawin sa mga estudyanteng ayaw sa ROTC.
Tinukoy rin ni Enrile na hindi mga Pilipino ang mga gustong gawing ‘optional’ lamang ang ROTC.
Giit ni Enrile, kailangang mamatay tayo para sa bansa katulad aniya ng mga Ukrainian na ipinakita ang tunay na pagkamakabayan.
Dagdag pa ni Enrile, walang ibang magdedepensa sa Pilipinas kundi ang mga Pilipino.