Mga evacuees na naninirahan sa labas ng danger zone ng Bulkang Mayon, nais nang pauwiin

Mga evacuees na naninirahan sa labas ng danger zone ng Bulkang Mayon, nais nang pauwiin

NAIS nang pauwiin ang mga evacuees naninirahan sa labas ng danger zone ng Bulkang Mayon.

Ipinag-utos ni Albay Gov. Edcel Greco Lagman sa mga opisyal ng dalawang bayan na pauwiin ang nasa 8,455 na indibidwal o nasa 44 porsiyento ng kabuuang evacuees na hindi naman naninirahan sa loob ng 6-km permanent danger zone ng Bulkang Mayon.

Sa isang panayam, sinabi ni Lagman na inirerekomenda nito ang decampment para sa 1,688 na pamilya mula sa Sto. Domingo at 377 na pamilya mula sa Guinobatan kung hindi magagawang mapaliwanag ng dalawang lokal na alkalde ang dahilan nila kung bakit kailangang ilikas ang mga residente ng mga ito.

Dagdag ni Lagman, dapat na pagbasehan ang siyensya sa paggawa ng desisyon dahil sa inirerekomenda lamang ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang paglikas sa mga residenteng nakapaloob sa 6-km permanent danger zone.

Ani Lagman, dahil sa aksiyon ng dalawang alkalde, nagkakaproblema kung paano tutugunan ang response effort dahil sa dami ng mga residente sa mga evacuation center.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter