Mga expired na produkto ibinibenta ulit sa isang establisimyento sa Biñan, Laguna

Mga expired na produkto ibinibenta ulit sa isang establisimyento sa Biñan, Laguna

NADISKUBRE ng mga awtoridad ang isang establisimyento sa Biñan, Laguna.

Na nagri-repack ng mga expired na produkto upang ibentang muli sa murang halaga.

Nakita ng mga pulis ang mga produktong tulad ng gatas, chocolates. pasta, mga inumin, at mga sabon.

Sinasabing ibinabagsak ito ng isang truck sa nasabing establisimyento at niri-repack ng mga ito at dini-deliver sa iba’t ibang mga tindahan.

Hindi umano naabutan ng mga pulis ang may-ari ng establisimyento nang isinagawa nila ang pagsalakay kaya ipapatawag na lang ito para matukoy kung sino ang dapat na mapanagot.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter