Mga Filipino-Chinese na negosyante, may alinlangan pa rin na mamuhunan sa Pilipinas—FCCCI

Mga Filipino-Chinese na negosyante, may alinlangan pa rin na mamuhunan sa Pilipinas—FCCCI

MARAMI pang isyu ang dapat resolbahin ng Pilipinas pagdating sa pag-iinvest ng mga negosyante sa bansa.

Iyan ang inilahad ng Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry kaugnay sa mga Filipino Chinese na mga negosyante na nais sanang mamuhunan sa Pinas.

Ngunit mayroon anila silang alinlangan.

Isa na nga rito ang mataas na presyo ng kuryente sa bansa.

‘’Our cost of electricity is one of the highest in the Asia Pacific, if not in the world. Hindi lang highest. Minsan yung mga malalaking industry hindi makapasok kasi they can’t get enough power,’’ ayon kay Dr. Cecilio Pedro President, Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry.

Nananatili ring hamon ayon kay FCCCI President Dr. Cecilio Pedro ang ‘ease of doing business’ sa bansa.

Sinabi ni Pedro na dapat gayahin ng Pilipinas ang mga bansang Indonesia, Thailand, at Vietnam kung saan – sabi niya – isang departamento lang ang nagpoproseso ng mga kinakailangang dokumento para makakuha ng business permit.

‘’Dito you talk to every departments. Kakausapin mo. Kung ano ano ang requirements. Pahihirapan pa sa requirements. Pag-isipan natin kung paano tulungan yung investors because they come in to create jobs,’’ saad ni Dr. Cecilio Pedro.

Umaasa naman ang grupo ng mga Filipino-Chinese na negosyante na mas pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang pagpapalakas ng relasyon ng Pilipinas at China sa susunod na taon.

Dapat muna anilang iisantabi ang isyu sa West Philippine Sea.

‘’Let’s set aside yung issue sa West Philippine Sea. Itabi muna natin. Wala naman mangyayari diyan diba. Kung magaaway-away tayo, hindi naman tayo pwede maggiyera. Nobody wants war,’’ ayon nito.

‘’Sana in the coming year we will focus on diplomatic relations. We will focus on what is possible, what is acceptable to both countries,’’ ani Pedro.

Sa taong 2025, ipagdiriwang ng Pilipinas at China ang ika-50 anibersaryo ng diplomatic ties nito unang itinatag noong 1975.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble