Mga foreign students na posibleng banta sa national security, mino-monitor na

Mga foreign students na posibleng banta sa national security, mino-monitor na

INIIMBESTIGAHAN na ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at National Bureau of Investigation (NBI) ang mga dayuhang nagmamay-ari ng student visa na hinihinalang sangkot sa mga ilegal na aktibidad habang narito sa bansa.

Ito ang nilinaw ng Bureau of Immigration (BI) kasabay ng sinasabing may ilang mga Chinese students ang nag-aral sa Cagayan.

Nilinaw ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na aktibo ang pag-iimbestiga sa mga foreign nationals na may student visa, lalo na sa mga sangkot sa mga aktibidad na posibleng banta sa seguridad ng bansa.

Nilinaw naman ni Tansingco na tanging mga foreign nationals na inendorso ng mga lehitimong eskwelahan at ng CHED ang binigyan ng student visa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter