Mga gahamang smuggler at hoarder ng agricultural products, hahabulin ng Kamara

Mga gahamang smuggler at hoarder ng agricultural products, hahabulin ng Kamara

HINDI nakapagpigil si House Speaker Martin Romualdez at muling binantaan ang mga abusadong negosyante na sangkot sa smuggling at hoarding nga mga agricultural products.

Saad ni Romualdez, may sapat na suplay sa basic commodities sa bansa at ang ginagawa ng mga abusado at minamanipula ang presyo nito.

Babala ni Romualdez, hahabulin ng Kamara ang mga ito at papanagutin sa batas.

‘’So it only points out to one thing, there is hoarding, there is price manipulation. So we are warning those who are behind these nefarious activities—that your days are numbered, the House will be going after you,’’ ayon sa lider ng Kamara.

Martes sa susunod na linggo, ipatatawag sa imbestigasyon sa Kamara ang mga posibleng sangkot sa smuggling ng agricultural products na nauna nilang ipina-subpoena.

Kabilang dito sina:

  • Michael Ma
  • Lujene Ang
  • Andrew Chang
  • Beverly Peres
  • Aaron
  • Manuel Tan
  • Leah Cruz
  • Jun Diamante
  • Lucio Lim
  • Gerry Teves

Sa huli, nanawagan si Romualdez na makipagtulungan ang mga ito sa kongreso at ibalik sa normal ang presyo ng mga bilihin dahil kung hindi tapos ang kanilang maliligayang araw.

Follow SMNI NEWS in Twitter