Mga ginawa ng Marcos Jr. admin laban sa kaniya, ‘di palalampasin ni VP Sara

Mga ginawa ng Marcos Jr. admin laban sa kaniya, ‘di palalampasin ni VP Sara

HINDI palalampasin ni Vice President Sara Duterte ang mga ginagawa ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. at mga kaalyado nito laban sa kaniya.

Ito ang sagot ng pangalawang pangulo hinggil sa inilabas na reaksiyon ni Marcos Jr. Kaugnay sa kaniyang mga pinakahuling pahayag kung saan sinabi ng pangulo na ‘nakababahala’ umano ang planong ipapatay sila.

Bukas din aniya siya sa subpoena order ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa kaniya matapos niyang sabihin na may resbak siya sakaling ipapapatay siya ni Marcos Jr., First Lady Liza Marcos, at House Speaker Martin Romualdez.

Kung babalikan naman ang pahayag ng bise, malinaw na rhetorical o conditional remark ang kaniyang pahayag kung mangyayari nga ang assassination attempt laban sa kaniya.

Sa unang bahagi nitong taon, nauna nang sinabi ni VP na may balak mang-gurgur o pumatay sa kaniya.

Pinuna na rin ni VP Sara ang National Security Council (NSC) dahil sa hindi patas na pagtugon sa aktwal na assassination attempt sa kaniya.

Sa panayam dito sa Kamara, saad ni VP na walang aksiyon ang NSC sa banta sa kaniyang buhay kahit siya ang ikalawa sa pinakamataas na lider ng bansa.

Samantala, sa ngayon ay pinalawig pa ng Kamara sa 10 araw ang contempt order laban kay Atty. Zuleika Lopez, ang Chief-of-Staff ng Office of the Vice President.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter