Mga gov’t agencies na katuwang sa ‘Oplan Bantay Biyahe’ noong Undas, kinilala –LTFRB

Mga gov’t agencies na katuwang sa ‘Oplan Bantay Biyahe’ noong Undas, kinilala –LTFRB

PINARANGALAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga natatanging ahensya ng gobyerno na naging katuwang sa pagpapatupad ng ‘Oplan Bantay Biyahe’ noong Undas.

Kabilang ang I-ACT, MMDA, PNP, PNP-NCR Regional Highway Patrol Unit.

Gayundin ang ilang opisyal mula sa Quezon City Local Government, Pasay, Manila at Caloocan LGU.

Pinasalamatan ng LTFRB ang ibinigay ng tulong sa pagpapanatili ng kaayusan sa biyahe ng mga pampublikong sasakyan noong Undas.

Patuloy rin na makikipag-tulungan ang LTFRB sa mga ahensya ng gobyerno at LGU lalo’t nalalapit na ang Kapaskuhan.

 

Follow SMNI News on Twitter