Mga guro, ‘di dapat piliting magtrabaho ng higit 6 oras—DepEd

Mga guro, ‘di dapat piliting magtrabaho ng higit 6 oras—DepEd

IPINAG-utos na ng Department of Education (DepEd) na hindi dapat piliting magtrabaho ang mga educator ng mahigit anim na oras.

Sa isang memorandum na inilabas ng ahensiya noong Setyembre 27, kung sakaling magtatrabaho ng mahigit anim na oras ang isang guro, dapat mai-compensate ito nang maayos.

Ayon kay DepEd Sec. Sonny Angara, nakabatay rin naman ang memorandum sa Republic Act No. 4670.

Ang mga guro naman na nakapagturo ng anim na oras na actual classroom teaching ay hindi dapat magkaroon ng salary deductions.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble