Mga guro, isasailalim sa pagsasanay sa English, Science, at Mathematics (ESM)

Mga guro, isasailalim sa pagsasanay sa English, Science, at Mathematics (ESM)

INANUNSYO ng Department of Education (DepEd) na isasailalim sa pagsasanay ang mga guro upang mapabuti ang resulta ng pagtuturo sa English, Science, at Mathematics (ESM).

Ayon kay DepEd Sec. Sonny Angara, inaasahang matuto ng mga makabagong pamamaraan o estratehiya sa pagtuturo ang mga guro sa gagawing pagsasanay para maiangat ang kakayahan ng mga mag-aaral sa ESM sa world-class level.

Magsisimula ang tatlong araw na pagsasanay sa mga guro sa Enero a-trese hanggang a-kinse.

Katuwang ng DepEd sa pagsasanay na ito ang Khan Academy at ang E-Learning Content Developer na Frontlearners.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble