Mga guro pinasalamatan ng mga senador ngayong World Teacher’s Day

Mga guro pinasalamatan ng mga senador ngayong World Teacher’s Day

BILANG paggunita ng World Teacher’s Day ay nagpaabot ng kani-kanilang pasasalamat ang ilan sa mga senador para sa mga itinuturing na pangalawang magulang.

Araw ng Huwebes ay nakiisa si Senador Bong Go sa pagtitipon ng libu-libong guro sa Ynares Center kung saan namigay siya ng mga gift pack at nagpa-raffle ng cellphone, shades, at bisekleta.

Sa Butuan City, magkasama sina Senadora Imee R. Marcos at VP Inday Sara Duterte sa pamamahagi ng mga lipstick at sako ng bigas para sa mga guro sa Saturnino Urios University – Morelos Campus.

Muli namang ipinanawagan ni Senadora Nancy Binay ang agarang pagpasa ng dalawang batas na nakatuon sa kapakanan ng mga guro.

Kabilang dito ang Senate Bill 339 na ipinapanukala na taasan ang sahod ng mga guro at non-teaching personnel, at Senate Bill 2370, na nananawan ng tax exemption sa honoraria, allowance, at iba pang financial benefits na natatanggap ng mga guro sa panahon ng halalan.

“Umaasa akong maipasa na ang mga panukalang batas na sinusulong ang kapakanan ng mga guro bilang pagpapasalamat sa serbisyong ginagawa nila. Mas magiging makabuluhan ang ganitong aksyon kaysa simpleng pagbati lang ng Happy Teachers’ Day,” ani Sen. Nancy Binay

‘’Senate Bill No. 339, proposing the increasing of the monthly minimum wage of teachers and non-teaching personnel, and SBN 2370, calling for the exemption from tax of honoraria, allowances, and other financial benefits that teachers receive for rendering service during elections.’’

Samantala, ibinahagi naman ni Senador Win Gatchalian na maghahain siya ng panukalang batas na layong amyendahan ang Magna Carta for Public School Teachers o ang (Republic Act No. 4670).

Ilan sa mga bagong probisyong isusulong ni Gatchalian ang pagbibigay ng special hardship allowance sa mga mobile teachers, kabilang na ang mga Alternative Learning System (ALS) teachers.

Isusulong din ni Gatchalian na mabigyang proteksyon ang mga guro mula sa mga out-of-pocket expenses at pagsasagawa ng mga non-teaching tasks.

Nais din ni Gatchalian na maitaguyod ang karapatan ng mga guro at ang kanilang longevity pay.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter