Mga guro sa Hong Kong, nananawagan mag-COVID test ang mga estudyante sa bahay bago pumasok

Mga guro sa Hong Kong, nananawagan mag-COVID test ang mga estudyante sa bahay bago pumasok

NANANAWAGAN ang grupo ng mga guro sa pamahalaan ng Hong Kong na mas maiging magkuha ng COVID test ang mga estudyante sa kani-kanilang pamamahay bago pumasok ng eskwelahan.

Matatandaang inanunsyo ng Punong Ehekutibo ng Hong Kong na si Carrie Lam Cheng Yuet-Ngor na magsagawa ng daily test ang lahat ng mga estudyante at mga kawani ng eskwelahan para sa face- to -face na klase ngayong Abril 19.

Ayon sa Hong Kong Women Teacher’s Organization, magkakaroon ng teknikal na problema kung kukuhanan ng COVID test ang mga estudyante sa tanggapan ng eskwelahan.

Kadalasan dumadating ang mga bata alas 7:45 hanggang 8:00 ng umaga. Posibleng magkaroon ng mas malala na cross infection kapag magkatipon tipon anila sila sa harap ng eskwelahan.

Rekomendasyon ng grupo na payagan ang mga magulang magkuha ng rapid test sa kanilang anak sa kani-kanilang pamamahay bago pumasok sa paaralan at mag-report lamang ng resulta kung positibo sa eskwelahan at sa center for health protection.

Sa pamamagitan nito mapipigilan ang mga estudyante na pumasok kung sakaling ito ay positibo sa COVID 19.

Ang mga irereport na resulta ay dapat nakasulat at pirmado ng mga magulang kagaya ng pagdeklara ng temperatura sa katawan.

Upang madaling maka-adjust ang mga estudyante sa mga unang araw ng pasukan, nanawagan ang organisasyon na bawasan o simplehan ang mga exam at magdagdag ng aktibidad upang masanay muli ang mga bata na makihalubilo sa mga kaklase at sa buhay estudyante sa paaralan.

Follow SMNI NEWS in Twitter