Mga hakbang ni PBBM para mapalago ang ekonomiya, unti-unti nang nararamdaman –Speaker Romualdez

Mga hakbang ni PBBM para mapalago ang ekonomiya, unti-unti nang nararamdaman –Speaker Romualdez

IGINIIT ni House Speaker Martin Romualdez na unti-unti nang nararamdaman ang resulta ng mga pagsisikap ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para mapalago pa ang ekonomiya ng bansa.

Saad ni Romualdez, nasaksihan nito ang mga pagsisikap ni Pangulong Marcos sa mga state visit at ang pag-engganyo nito sa mga investor na maglagak ng puhunan at mga negosyo sa bansa.

Giit din ng lider ng Kamara na mainam ang economic strategy ng administrasyon na endemic phase sa direksyon ng pamahalaan na mapalago pa ang ekonomiya.

At kahit tahimik lamang na nagtatrabaho si Pangulong Marcos, giit ni Romualdez na asahan ang magandang epekto ng pamamahala ng presidente para sa bayan.

“I myself witnessed how the President engaged business stakeholders here and abroad with the purpose of moving forward from ravages caused by the COVID-19 pandemic,” ani Romualdez.

Follow SMNI NEWS in Twitter