PANGUNAHING concern ng ipatutupad na lockdown sa Metro Manila para sa mga hindi bakunadong indibidwal.
Ito ang inihayag ni Presidential Adviser for Entrepreneur at Go Negosyo founder Joey Concepcion sa panayam ng Sonshine Radio.
Aniya, suportado niya at ng ibang mga negosyante ang naturang hakbang ng pamahalaan para maprotektahan ang mga hindi bakunadong indibidwal sa panganib na mahawaan ng COVID-19.
Ani Concepcion, ang Delta variant ay mas nakakahawang uri ng COVID-19 at ang patuloy na pagtaas ng kaso nito sakaling hindi magpatupad ng ECQ ay magdudulot ng mas malaking problema.
“Well actually ako rin ayaw mag lockdown no, mula last year talagang ah I even told the President dapat instead of lockdown, pero itong variant na ‘to ay ibang klase kasi itong Delta variant is highly transmissible, 1000 percent viral load increasing viral load, 6 times more transmissible,” pahayag ni Concepcion.
Kaugnay dito, ang focus aniya ng pamahalaan ngayon ay ang mas mabilis na pagbabakuna sa mga tao lalong-lalo na sa National Capital Region (NCR), ang sentro ng maraming negosyo ng Pilipinas.
Samantala, aabot naman sa 70% o 17 milyong doses na COVID-19 vaccines ang binili ng pribadong sektor para sa kanilang sariling vaccination program kung saan ilan dito ay ibinigay naman sa mga LGU partikular na sa NCR.
Bilang ng naibakunang doses sa bansa, pumalo na sa mahigit 21.21 milyon
Pumalo na sa mahigit 21.21 milyon ang bilang ng naibakunang doses sa bansa hanggang alas 6 ng gabi nito lamang Agosto 2.
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, National Vaccination Operations Center Head, sa nasabing bilang ay mahigit 11.84 milyon doses ang naiturok bilang first dose.
Habang mahigit 9.36 milyong Pilipino na ang fully vaccinated matapos matanggap ang ikalawang dose ng kanilang bakuna.
Naitala naman aniya noong Hulyo 27, 2021 ang pinakamataas na daily jabs na pumalo sa 659,029.
Samantala, sinabi ni Cabotaje na mahigit 34.27 milyon doses na ng iba’t ibang brand ng COVID-19 vaccines ang nai-deliver sa bansa.
Sa nasabing bilang, higit 28.38 milyong doses ang nai-deploy na sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
https://www.youtube.com/watch?v=UChF7kZUlOE&t=9s