Hygiene kits, ipinamahagi para sa mga senior citizen ng Las Piñas City

PORMAL na itinurn-over nina Las Piñas City Mayor Imelda “Mel” Aguilar at Vice-Mayor April Aguilar ang 2,500 hygiene kits sa mga opisyal ng Federation of Senior Citizen Association of Las Piñas.

Ang pag-turn over  ay sa ilalim ng superbisyon ni City Social Welfare and Development Office (CSWDO) chief, Junet Barilla, na isinagawa sa city hall ngayong umaga, January 21,2021.

Ang mga hygiene kits ay ipamamahagi sa lahat ng presidente o opisyal ng Barangay Association of Senior Citizens sa lungsod, na siyang naatasang magbigay sa kani-kanilang mga nasasakupang senior citizens.

Layunin po ng programa na mapagaan ang negatibong epekto ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Muli namang pinaalalahanan ng pamahalaan ang lahat na mag-ingat, maging disiplinado at patuloy na sumunod sa health and safety protocols.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.