IDINEMOLISH ng mga kawani ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga iligal na istruktura sa kahabaan ng Apello Cruz Street, Brgy. 157, Pasay City.
Ito ay sa gitna ng pagpapatuloy ng mas pinaigting na clearing operations ng ahensya sa mga lansangan.
Binigyan-diin ng MMDA na hakbang ito para sa maayos, maluwag, at ligtas na mga bangketa at lansangan sa Kamaynilaan para sa mga naglalakad at motorista.
Para makamit ito, wala dapat anilang road obstructions o sagabal sa kalye.