Mga illegal parking sa Fairview pinaghahatak

Mga illegal parking sa Fairview pinaghahatak

HINDI nakaligtas sa QC Task Force on Transport Traffic Management ang mga sasakyang iligal na nakaparada sa Camaro St. at malapit sa Pearl Drive sa Brgy. Fairview, QC.

Ito ay matapos inaksyunan ng District 5 Action Office, sa pangunguna ni Ginoong William Bawag.

Ayon kay Ginoong Bawag hinatak gamit ang tow trucks ang mga nahuling sasakyan at dinala sa impounding area sa Tomana Marikina City kung saan mayroong karampatang multa.

Ang pagtugon sa illegal parking ay bunsod ng reklamo ng isang concerned QCitizen na nagpadala ng mensahe sa Quezon City government FB page.

Follow SMNI NEWS in Twitter