NANGAKO si elected Ilocos 1st District Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos na kasama niya sa tagumpay ang mga Ilokano na tumulong sa kanyang pamilya sa kasagsagan ng exile.
Ito ang bahagi ng talumpati ni Sandro sa kasagsagan ng kanyang oath-taking sa Barangay Pasngal Captain Edwin Vea ng bayan ng Bacarra.
Ani Sandro, maraming mga Ilocano ang tumulong sa mga Marcos sa Hawaii.
Dagdag pa ni Sandro, ang mga Ilocano ay naroon sa mga oras na walang gustong lumapit sa mga Marcos.
Samantala, wala roon si President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos at ang ibang miyembro ng pamilya dahil sa paghahanda sa presidential inauguration ngunit kasama niya si Sen. Imee Marcos.
Bukod pa rito, nangako rin si Sandro na magkakaroon ng mga proyekto sa unang distrito na makatutulong para sa pagbangon sa pandemya.