Mga impormasyon kina Bantag at Zulueta, inaaral na ng DOJ

Mga impormasyon kina Bantag at Zulueta, inaaral na ng DOJ

INAARAL na ng Department of Justice (DOJ) ang validation kaugnay sa mga pumapasok na report patungkol sa kinaroroonan nina dating Bureau of Corrections (BuCor) Director Gerald Bantag at Security Officer Ricardo Zulueta.

Sinabi ni Justice Undersecretary Mico Clavano na simula noong inilabas ang anunsiyo na magbibigay ng P3-M ang DOJ para sa impormasyon nina Bantag at Zulueta ay  mayroon na silang natatanggap na mga impormasyon.

Sa ngayon, aniya ay bina-validate muna ito ng husto dahil kailangang magamit sa tama ang resources na magmumula sa National Bureau of Investigation (NBI) at sa Philippine National Police (PNP).

Kaugnay nito ay tiniyak ni Clavano na hindi titigil ang DOJ at mga law enforcement agencies ng gobyeno sa pagtugis kina Bantag at Zulueta.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter