Mga impormasyon na hinihingi ng Kamara para sa imbestigasyon sa PhilHealth, pinatatago

Mga impormasyon na hinihingi ng Kamara para sa imbestigasyon sa PhilHealth, pinatatago

PINATATAGO umano ni Civil Service Commission o CSC Chairman Alicia Dela Rosa-Bala ang mga impormasyon kaugnay sa kasong kinakaharap ng mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Sa pagdinig sa Kamara laban sa mga anomalya sa state insurance company, tahasang inamin ni CSC Commissioner Aileen Lizada na pinagbawalan sila ni Chairman Bala na magpalabas ng anomang impormasyon hinggil sa mga pending cases sa PhilHealth.

Nag-umpisa ang pagdududa ng mga kongresista matapos walang maibigay na sagot si Asst. Commissioner Ariel Ronquillo hinggil sa eksaktong bilang ng mga kasong nakapending laban sa mga opisyal ng PhilHealth.

Ayon naman kay Commissioner Lizada, nakapagtala ng 74 na kaso laban sa mga matataas na opisyal ng PhilHealth mula 2010- 2020 at 19 kaso dito ay pending na ang ilan ay grave misconduct.

Nakatakda namang ilabas ni Lizada ang official minutes at ang recording ng meeting kung saan iginiit ni Chairman Bala na bawal magpalabas ng impormasyon kaugnay sa nasabing ahensiya kahit ito ay in-aid of legislation.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.