Mga inangkat na sibuyas, inaasahang darating sa susunod na linggo

Mga inangkat na sibuyas, inaasahang darating sa susunod na linggo

IBINAHAGI ng Department of Agriculture (DA) na sa Pebrero 20 inaasahan ang pagdating ng imported na sibuyas.

Kabilang dito ang 3,000 metriko toneladang pulang sibuyas at 1,000 metriko toneladang puting sibuyas na kamakailan ay inaprubahan.

Paliwanag ng DA, maliit lang ang bilang ng importasyon dahil paparating na ang anihan sa Marso.

Layunin nitong maibsan ang mataas na presyo ng sibuyas sa kasalukuyan nang hindi makakasagabal sa lokal na produksiyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble