Mga ipinagbabawal na paputok, ipinaalala ngayong holiday season

Mga ipinagbabawal na paputok, ipinaalala ngayong holiday season

IPINAALALA ng Philippine National Police-Civil Security Group na iwasang gumamit ng mga ipinagbabawal na paputok ngayong holiday season.

Halimbawa na rito ang Watusi, Piccolo, Pop-Pop, Five Star, Pla-Pla, Lolo Thunder, Giant Bawang, Giant Whistle Bomb, Atomic Bomb, at Atomic Triangle.

Maging ang Super Yolanda, Large-Size Judas Belt, Goodbye Philippines, Hello Columbia, Pillbox, King Kong, at marami pang iba.

Sa paliwanag, ito’y para matiyak na magiging masaya at ligtas ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Hindi rin anila malalabag ang Executive Order No. 28 at Republic Act No. 7183 o ang Firecracker Law kung iwasang gumamit nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble