NANANATILING hindi ligtas kainin ang mga isdang makukuha sa ilang lugar sa Cavite.
Sa paalala ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ang mga tinutukoy na lugar ay ang Bacoor City, Cavite City, Noveleta, Rosario, at Tanza.
Sanhi nito ay ang paglubog ng MT Terranova sa Limay, Bataan tatlong linggo na ang nakalipas na naging sanhi rin ng oil spill.
Kaugnay rito, ang ligtas lang na ikonsumong mga isda ay ang mula sa Naic, Ternate, at Maragondon.