Mga Israeli hostage, palalayain na ng Hamas ngayong Sabado batay sa napagkasunduan

Mga Israeli hostage, palalayain na ng Hamas ngayong Sabado batay sa napagkasunduan

KINUMPIRMA na ng Hamas militant group na palalayain nila ang ilang Israeli hostage batay sa nakasaad sa ceasefire agreement.

Anila, ipinangako na ng mga tagapamagitan mula Egypt at Qatar na aayusin nila ang anumang nakikitang balakid sa kasalukuyan kung kaya’t papayag na ang Hamas na palayain ang mga hostage.

Sa Sabado, February 15, 2025 ang sunod na schedule para sa pagpapalaya ng mga hostage.

Noong nakaraang araw ay sinabi ng Israel na iuurong na nila ang ceasefire agreement kung hindi palalayain ng Hamas ang mga Israeli hostage sa Sabado batay sa napagkasunduan.

Ngunit unang inihayag ng Hamas na ipagpapaliban rin muna nila ang pagpapalaya ng kanilang mga Israeli hostage.

Ito’y dahil may nilabag umano ang Israel sa ceasefire agreement.

Sa panig naman ng Israel, may siyam na Israeli hostage sana ang dapat napalaya na ng Hamas sa phase 1 ng ceasefire ngunit hanggang ngayon ay nasa mga kamay pa ng militanteng grupo.

Kung tutuusin ayon sa Israel, paglabag na ito ng Hamas sa napagkasunduan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble