Mga isyu na ibinabato laban kay VP Sara sagutin lang nang tama—FPRRD

Mga isyu na ibinabato laban kay VP Sara sagutin lang nang tama—FPRRD

PINAYUHAN ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Vice President Sara Duterte na sagutin lamang nang tama ang mga isyung ibinabato laban sa kaniya.

Ito ang kaniyang naging pahayag sa gitna ng kinakaharap na impeachment ni VP Sara.

Ayon kay FPRRD, tagumpay man o hindi ang impeachment, bahagi na ito ng tadhana ng isang pangalawang pangulo.

Samantala, sinabi rin ni FPRRD na sa politika, dapat nakatutok lamang sa totoong serbisyong maibibigay sa mga Pilipino.

Aniya, kung puro serbisyo ang naibigay ng isang politiko, makatatanggap ito ng pasasalamat mula sa taumbayan—isang bagay na hindi nabibili ng pera.

Dagdag pa niya, bilang isang politiko, ang kasiyahan ng bansa sa ilalim ng iyong pamamalakad ay maituturing na pinakamagandang bagay na maaaring mangyari sa iyong buhay.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble