Mga isyu na kailangan ng agarang atensiyon sa DepEd, tinukoy sa transition meeting ni VP-elect Duterte at Sec. Briones

Mga isyu na kailangan ng agarang atensiyon sa DepEd, tinukoy sa transition meeting ni VP-elect Duterte at Sec. Briones

TINALAKAY sa pinakaunang in-person transition meeting ng Department of Education (DepEd) sa pangunguna ni Sec. Leonor Briones at Vice President-elect at incoming DepEd Secretary Sara Duterte ang mga isyu na kailangan ng agarang atensiyon sa kagawaran.

Partikular na rito ang mga patnubay para sa papasok na SY 2022-2023 at ang budget para sa taong 2023.

Nagbigay rin si Sec. Briones ng pangkalahatang ideya ng gawain ng kagawaran kabilang ang isang buod ng saklaw ng responsibilidad ng DepEd at ang kontribusyon ng kasalukuyang administrasyon sa mga reporma sa basic education.

Kinilala naman ng VP-elect ang kontribusyon ng kasalukuyang DepEd team sa mga programa ni Pangulong Duterte at pinasalamatan ang agarang pahayag ng suporta ng buong kagawaran para sa kanya.

Bukas naman si Sec. Briones na patuloy siyang makipagtulungan sa papasok na administrasyon bilang consultant.

Sa huli, nagkasundo ang VP-elect at ang kalihim na magdaos ng joint farewell and welcome ceremony sa Hulyo 4.

Follow SMNI NEWS in Twitter