DAPAT pag-usapan ng Marcos administration ang mga isyung kinakaharap upang ma solusyonan.
‘’Kung may usok, may apoy”
Ito ang katagang binitawan ni Senator Imee Marcos sa tanong kung ano ang komento nito sa mga isyu na kinaharap ng kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Kabilang dito ang isyu sa umano’y namumuong coup d’ etat sa hanay ng militar.
Ayon sa senadora inaasahan niya na sana fake news ang mga negatibong isyu laban sa Pangulo ng bansa.
Kaya dapat aniya na pag-usapan ito upang masolusyonan sa lalong madaling panahon ang anomang isyu na ikakasira sa administrasyon.
Sinabi rin nito na hindi maiiwasan na mayroong matatamaan sa tuwing mayroong bagong batas na ipinapatupad ang pamahalaan.