Mga itinatayong eskwelahan sa ilalim ng Balikatan 37, nasa 85% nang tapos

Mga itinatayong eskwelahan sa ilalim ng Balikatan 37, nasa 85% nang tapos

PUSPUSAN na ang bayanihan na ginagawa sa pagitan ng Pilipinong sundalo at Amerikano sa apat na eskwelahan na itinatayo nito sa ilalim ng Balikatan 37-2022 sa probinsiya ng Isabela at Cagayan.

Ngayong linggo inaasahan ang pagtatapos ng apat na paaralan na proyekto ng kasalukuyang bilateral exercise sa pagitan ng mga Pilipinong sundalo at Amerikano, ang Balikatan 37.

Batay sa datos, nasa 85 porsyento nang tapos ang halos lahat ng mga paaralan sa iba’t ibang lugar sa Cagayan at Isabela  na nagsimula noong Marso 7.

Ayon kay NolCom Commander LtGen. Ernesto Torres Jr., sisikapin ng dalawang kampo na tapusin ang proyekto sa loob ng apatnapung araw lamang na libreng pinondohan ng Amerika sa halagang US$100, 000.

“With a $100,000 funding for each of the buildings, donated by the US government, Taggat Sur and Pinas Elementary Schools in Claveria, Cagayan, Masi Elementary School in Rizal, Cagayan, and San Francisco Elementary School in Alicia, Isabela would be able to construct their school buildings. The mentioned infrastructure which measures 18×17 square meters is expected to be completed in 40 working days,” ayon kay Torres.

Ang Taggat Sur Elementary School sa Claveria, Cagayan na may haba at lawak na 7m x 18m na nag-umpisa noong Marso 2 ay kasalukuyan nang nasa 64.88% nang kumpleto.

Ang Pinas Elementary School, sa Brgy Pinas, Claveria, Cagayan na may laki at lawak na 7m x 16m all-purpose building  ay nasa 85% nang kumpleto.

Habang ang Masi Elementary School, sa Masi, Rizal, Cagayan na may laki at lawak na  7m x 16m all-purpose building ay nasa 70% nang kumpleto.

At ang San Francisco, Alicia, Isabela’s construction of 7m x 9m classroom, ay kasalukuyan namang nasa 87.12% nang kumpleto.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines, mahalaga ang ugnayan ng Pilipinas at Amerika.

Para sa mas pinaigting at pinalakas pa na relasyon ng dalawang bansa, sa iba’t ibang pagsasanay at palitan ng kakayanan at nalalaman sa mas matagumpay na pagsasagwa ng PH-US Balikatan 37-2022.

Nauna nang matagumpay na natapos ng Pilipinas at Amerika ang ilang mga pagsasanay sa kahandaan ng dalawang bansa sa karagatan, pamhimpapawid at maging sa kalupaan.

Follow SMNI News on Twitter