PINAYUHAN ng Philippine Red Cross ang mga kababaihan na magpa-saliva test na huwag maglagay ng lipstick.
Ito’y matapos madiskubre ng Red Cross na kaya nag-iinvalid ang ilang samples dahil sumasama ang kulay ng lipstick ang laway.
Pinayuhan rin ng Red Cross na ‘wag kumain, manigarilyo, at magmumog sa loob ng kalahating oras bago sumailalim sa COVID-19 saliva test.
Samantala, P 2,000 naman ang bayad para sa naturang test.
Ayon kay Dr. Paulyn Ubial, mas ligtas ang saliva test para sa mga magkokolekta ng samples nito kaysa sa PCR test.