KILALA ang Philippine Military Academy (PMA) sa pagkakaroon ng mahigpit na pagsasanay at pangako na bubuo ng natatanging lider ng militar o kasundaluhan.
Kaugnay rito, nagsagawa ng taunang entrance examination ang PMA upang malaman at makilala ang Most Promising Candidates na sasailalim sa hinihinging programa sa edukasyon at pagsasanay sa loob ng akademya.
Napili ang NOLCOM bilang venue ngayong taon sa naganap na entrance examination na nagbigay ng ligtas at organisadong kapaligiran para sa proseso ng pagsusuri.
Nagbigay rin ito ng sapat na espasyo at pasilidad upang ma-accommodate ang malaking bilang ng mga aplikante at masiguro ang maayos at mabisang examination process.
Isang karangalan naman para kay NOLCOM Commander Lieutenant General Fernyl G. Buca, PAF na maging parte sila ng unang yugto sa pagkilala at paghulma sa mga magiging lider ng bansa sa hinaharap.
Ani Lt. Gen. Buca, nakatuon ang NOLCOM sa pagsuporta sa mga inisyatiba na magpapalakas sa kakayahan ng pagtatanggol sa bansa gayundin ang pag-host sa PMA entrance examination na perpektong naaayon sa misyon ng AFP.
“The Northern Luzon Command (NOLCOM) is committed to supporting initiatives that strengthen our nation’s defense capabilities, and hosting the PMA entrance examination aligns perfectly with our mission,’’ ayon kay Lt. Gen. Fernyl G. Buca Paf, Commander of the NOLCOM.
Ilan sa venue ng PMA entrance examination ay ginanap sa Aurora National Science High School Gym, Baler, Aurora; Philippine Military Academy (PMA), Fort General Gregorio H. del Pilar, Baguio City; Nueva Vizcaya General Comprehensive High School-Gym, Bayombong; Mt. Province State Polytechnic College – Auditorium, Poblacion, Bontoc, Mt. Province; Cabanatuan City Senior High School, Sta. Arcadia, Cabanatuan City, Nueva Ecija; Isabela State University – Cauayan Campus, Brgy. San Fermin, Cauayan City; Day 1 Sa Northwestern University- Multi-Purpose Hall, Laoag City; Day 2 Sa Batac City – Mariano Marcos State University Student Center, Quiling Sur, Batac City; Lingayen Training and Development Center 2, Capitol Compound, Lingayen; Pampanga High School-Gymnasium, Brgy. Lourdes, San Fernando City; Kalinga State University Gym, Bulanao, Tabuk City, Kalinga; Northern Luzon Command Multi-Purpose Hall, Camp Aquino, Tarlac City; Mamba Memorial Gym, Bagay Road, Tuguegarao, Cagayan.
Samantala, isa sa nangunguna sa bansa ang PMA na itinatag noong 1905 at nangingibabaw sa leadership positions sa hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang sangay ng pamahalaan.