NADISKUBRE ng tropa ng 29th Infantry (Matatag) Battalion ang mga kagamitang pandigma mula sa mga komunistang binansagang teroristang grupo sa iba’t ibang bansa.
Dahil sa impormasyong ibinigay ng isang minero sa lugar ay matagumpay na nakadiskubre ng 29IB ang RPG na may tatlong live ammos at bomb paraphernalia noong Setyembre 30, 2022 sa Brgy. Cuyago, Agusan Del Norte.
Matatandaang noong Setyembre 14, 2022 nakasagupa ng tropa ng 29IB ang Communist Terrorist Groups (CTG) sa nasabing lugar at kalaunan ay natagpuan ang bangkay ni Reylando Rubilla Leyson Jr. sa pamamagitan ng walang humpay na Focused Military Operation na isinasagawa ng Philippine Army Unit sa lugar.
Kinondena naman ng 29IB ang patuloy na paggamit ng mga CTGs ng mga improvised explosive device (IED) gaya ng landmine dahil sa hindi makataong pinsala ang maidudulot nito sa mga sibilyan at komunidad.
Malinaw na ipinapakita ng CTGs na hindi nila iginagalang ang karapatang pantao at nilalabag ang batas na nakasaad sa International Humanitarian Law (IHL).