Mga kakandidato sa BSKE, dapat iwasan ang pagbibigay ng pera sa NPA—PNP

Mga kakandidato sa BSKE, dapat iwasan ang pagbibigay ng pera sa NPA—PNP

PINAAALAHANAN ng Philippine National Police (PNP) ang mga kakandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na huwag magbibigay ng pera o suporta sa New People’s Army (NPA).

Ito ay para makapasok sila sa lugar ng grupo at payagang makapagkampanya.

Ayon kay PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. na ang pagbibigay ng pera o suporta sa NPA ay itinuturing na “terrorist financing”.

Sinuman aniyang gagawa nito ay maaaring kasuhan ng paglabag sa RA 11479 (Anti-Terrorism Act of 2020).

Habang kung incumbent official ang nagbigay ng suporta sa NPA ay maaaring mahaharap sa “willful disloyalty to their oath of office”.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter