UUBUSIN ng military ang mga kalaban ng estado sa Kalinga.
TULOY ang laban! Ganito isinalarawan ng mga tauhan ng 5th Infantry Division ang kanilang laban kontra insurhensiya sa Kalinga.
Para ito sa mga natitira pang miyembro ng komunistang teroristang kilusan na CPP-NPA-NDF.
Ayon kay Brigadier General Audrey L. Pasia, commander ng 5ID, hindi sila titigil hanggat hindi napupuksa ang problema ng insurhensiya sa bansa.
Ayon pa sa militar, pagbabayaran ng mga NPA ang mga karumaldumal na ginawa ng mga ito sa mga inosente at unipormadong mga kawani ng pamahalaan.
Babala pa ng militar, hindi sila mapapagod na magsagawa ng intensified operations laban sa mga komunistang teroristang kilusan na CPP-NPA-NDF sa lugar.
“We will see to it that these remnants of communist terrorist group in Kalinga will pay the consequences of their atrocities to the people-be it uniformed or innocent civilians. We warn them of intensified operations we will be launching against them,” pahayag ni BGen. Audrey L. Pasia, Commander, 5ID.
Sa isang panayam sa SMNI Nightline News, tiniyak ng tagapagsalita ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na si Col Medel Aguilar na tuloy ang kanilang mga pagsasanay para sa pagtatanggol sa sambayanang Pilipino lalo na sa usapin sa insurhensiya.
Sa katunayan aniya, paliit na nang paliit ang bilang ng mga kalaban ng estado mula sa hanay ng CPP-NPA-NDF.
“I think, sa mga development na nakikita natin,,we have achieve significant victory,” ayon kay Col. Medel Aguilar, Spokesperson, AFP
Naniniwala rin ang AFP na malaking tulong din ang NTF-ELCAC sa laban ng pamahalaan kontra CPP-NPA-NDF.
Imbes aniya na ipaubaya ang trabaho sa mga militar, ngayon, nakikipagtulungan na rin ang publiko.