Mga kalsadang ipinasara ng dating BuCor chief sa NBP, muling bubuksan

Mga kalsadang ipinasara ng dating BuCor chief sa NBP, muling bubuksan

MULING bubuksan ang mga kalsadang dating isinara ni suspended Bureau of Corrections (BuCor) Chief General Gerald Bantag na dumudugtong sa bayan ng Muntinlupa at housing Southville 3 sa Muntinlupa City.

Ito’y matapos isinagawa ni BuCor Chief Gregorio Catapang ang courtesy call kay Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon.

Ayon kay Biazon, ang mga kalsadang sinara ng dating namuno sa BuCor, ang dahilan ng di pagkakaunawaan ng BuCor at Muntinlupa City Government.

Paliwanag ni Biazon, una na siyang nakiusap na bigyan  ng konsiderasyon ang kalagayan ng mga residente sa lugar lalo na yung mga kabataan na nahihirapan sa pagpasok sa eskwela.

 

Follow SMNI News on Twitter