Mga kandidato, nagkainitan sa SMNI Senatorial Debate matapos gawing isyu ang mga Marcos

Mga kandidato, nagkainitan sa SMNI Senatorial Debate matapos gawing isyu ang mga Marcos

NAGKAINITAN sa kasagsagan ng SMNI Senatorial Debate matapos magtalo ang tatlong kandidato sa isyu ng mga Marcos.

Nangyari ito nang banggitin ni Atty. Luke Espiritu ang pamilya Marcos sa kanyang pagsagot sa tanong na may kaugnayan sa Juvenile Law.

Kaya nang makaramdam ng paninira ang kilalang Marcos ally na si Atty. Larry Gadon, ito na ang nangyari.

Number 1 rule sa SMNI Debates ay walang siraan at personalan.

Kaya nang magkainitan, nakapatay ang microphone nina Gadon at Espiritu.

‘’We should not use this forum for a propaganda against the Marcoses.  It was intended,’’ ayon kay Atty. Gadon.

‘’Atty. Gadon your 45 secs is over may we have 30 secs to Atty. Esperitu’s rebuttal po,’’ saad ni Atty. Karen.

‘’Binuksan mong usapan, huwag mo’kong pagbawalan. I go by the record amnesty international 3,357 ang pinatay noong panahon ni Marcos. It’s my time huwag kang bastos!’ It’s my time!,’’ diin ni Atty. Esperitu.

‘’Okay, thank you,’’ ani ni Atty. Karen.

Pati si Atty. Harry Roque, nadamay na rin sa usapan.

At batay dito, walang kaso ng human rights violation si Bongbong Marcos sa Amerika.

Diin ni Roque, wala ring kaso ng pagnanakaw dito sa Pilipinas.

Sagot ito ni Roque sa mga patutsada ni Atty. Espiritu.

Hindi naman nakaligtas si Roque kay Espiritu at inusisa ang kanyang pagiging anti-Marcos noon.

‘’You spent your life against the Marcoses. You worked for human rights and now that you were given a Senate seat spot under the party of Bongbong Marcos now you cry halleluiah and praise Marcos?’’ ayon kay Espiritu.

‘’There was nothing respectful with that you said against me, ang katotohanan po ang pinag-uusapan. Hindi po ang patay na Marcos ang pinag-uusapanang buhay na Marcos. Sa akin po panagutin ang mga nagkasala pero yung mga hindi po gumawa ng anong kasalanan huwag po nating idamay sa sisi. Yun lang po,’’ paliwanag ni Atty. Harry Roque.

Si Roque ay isa sa mga senatorial candidate ng UniTeam nina BBM at Davao City Mayor Sara Duterte.

Pagkatapos magkainitan, agad namang nagbalik sa normal ang flow ng debate. At ang mga attendee o ang mga senatoriable ay sumunod din naman sa rules o sa mga panuntunan.

Follow SMNI NEWS on Twitter