Mga kandidato ng administrasyon sa 2025 midterm elections, posibleng matalo—political commentator

Mga kandidato ng administrasyon sa 2025 midterm elections, posibleng matalo—political commentator

MAGSISIMULA na sa buwan ng Oktubre ang paghahain ng kandidatura ng mga gustong tumakbo sa 2025 midterm elections.

Kabilang na dito ang mga kakandidato sa pagkasenador at district at Partylist representatives.

Ayon sa Political Commentator na Si Jay Sonza, batay sa mga mangyayari ngayon sa bansa sa ilalim ng kasalukuyang administrastyon, may posibilidad na matatalo ang mga kandidato ng Marcos admin.

Aniya, kung titignan ang pulso ng publiko ngayon ay marami pa rin ang panig sa mga Duterte.

Isa rin sa patunay ani Sonza na malakas ang dating ng mga Duterte ang naging reaksyon ng mga pulitiko at kritiko sa pasabog ni Vice President Sara Duterte na tatakbo sa pagka-senador si dating Pangulong Rodrigo Duterte at ang kanyang katapid na sina Kongressman Pulong at Davao City Mayor Baste Duterte.

Samantala, kinuwestyon naman ni Sonza ang pahayag ng ilan na sakim sa kapangyarihan ang mga Duterte.

Sa kabilang banda, sinabi ni dating Pangulong Duterte na jamming lang ang naturang pahayag ni VP Sara.

Aniya, wala na syang planong magbalik-politika dahil may edad na rin siya.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble