PUSPUSAN na ang pangangampanya na ginagawa ng mga kandidato para sa 2025 Midterm elections.
64 na kandidato ang maglalaban-laban para sa 12 posisyon sa pagka-senador.
Ang opisyal na campaign season ay nagsimula noong Pebrero 11 at magtatagal hanggang Mayo 10 ng taong kasalukyuan.
Pebrero 13, ikatlong araw ng opisyal na pangangampanya, nagkaroon ga ng proclamation rally ang Duterte senatorial candidates sa ilalim ng partidong PDP Laban sa Club Filipino sa San Juan City.
Kabilang sa mga dumalo rito ang mga ikinakampanyang kandidato ni dating pangulong Rodrigo Duterte na sina Atty Jimmy Bondoc, Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, Senador Bong Go, Atty Jayvee Hinlo, Atty Raul Lambino, Cong. Rodante Marcoleta, Philip Salvador, Atty. Vic Rodriguez at si Pastor Apollo C. Quiboloy sa pamamagitan ng isang video message at ng kaniyang spokesperson na si Atty. Israelito Torreon.
Ang slate naman ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas na sinusuportahan ni Bongbong Marcos o ang administration lineup ay nagtungo naman sa Iloilo City.
Kasama sa mga dumalo sa nasabing event ay sina Sen. Francis Tolentino, Camille Villar, Benjamin Abalos Jr., Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., Erwin Tulfo, Lito Lapid, Abby Binay, Tito Sotto at Panfilo Lacson.
Samantala, opisyal namang nag-withdraw ng kanyang kandidatura ngayong araw si Dr. Willie Ong upang tutukan ang pagpapagaling dahil sumasailalim ito ngayon sa chemotherapy matapos na matuklasang mayroong Sarcoma.