Mga kandidatong susuporta sa mga komunistang grupo, may karampatang parusa – PMGen. Ferro

Mga kandidatong susuporta sa mga komunistang grupo, may karampatang parusa – PMGen. Ferro

MAY karampatang parusa ang mga kandidatong susuporta sa mga komunistang grupo ayon kay CIDG, Police Major General Albert Ignatius Ferro.

Ipinanawagang nito na huwag suportahan ang gagawing pangingikil ng ommunist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa mga kandidato sa darating na eleksiyon.

Sa mahigit na limang dekada namamayagpag ng CPP-NPA-NDF sa bansa, ngayon nagkaroon ng totoong laban ang pamahalaan kontra CPP-NPA-NDF.

Kaya isa sa mga hakbang para tuluyan nang mapilayan ang komunistang teroristang grupo sa bansa ay tuldukan ang pinagkukunan ng pondo na ginagamit pambili ng mga armas at iba pang pangangailangan ng CPP-NPA sa kanilang operasiyon na nagreresulta ng karahasan.

Kaya ibinahagi rin ni PMGen. Ferro ang isa sa karumaldumal na ginawa ng komunistang teroristang grupo na may kinalaman sa pangingikil.

Isa sa malaking pondong pinagkukunan ng mga rebeldeng CPP-NPA ay ang mga tinatawag na permit to campaign permit to win ng mga kandidato.

Dagdag pa ni Ferro, na may karampatang parusa ang mga mahuhuling sumusuporta sa komunistang teroristang grupo sa pagbibigay ng pondo.

Kaya hindi nagkukulang ang CIDG sa pagpapa-alala na tanggihan ang kahit anong uri ng pangingikil.

SMNI NEWS