Mga kapos-palad na estudyante na hirap makapasok sa SUCs, sosolusyunan ng CHED

Mga kapos-palad na estudyante na hirap makapasok sa SUCs, sosolusyunan ng CHED

MAY nakikitang solusyon ang Commission on Higher Education (CHED) upang mas marami pang mahihirap na estudyante ang makapasok sa mga state university sa bansa.

Ang makatapos sa pag-aaral ang isa sa pinaka-importante sa bawat Pilipino, isa umano kasi ito sa magiging sandata sa kahirapan at magiging susi patungo sa pag-asenso sa buhay.

Pero, ayon sa CHED, apat sa bawat 10 estudyante ang tumitigil sa pag-aaral dahil sa iba’t ibang rason kasama na nga ang hirap sa pagtustos sa kolehiyo.

Upang solusyunan ito, inilunsad ng komisyon ang inisyatibo nitong ‘Paglaum kag Pagdaug: Access for Quality and Inclusive Higher Education’.

Tututukan ng ahensiya ang posibleng pagrebyu ng admission policies sa higher education nang matiyak na mabibigyan ng sapat na pagkakataon ang mas maraming estudyante na makapag-aral ng kolehiyo.

Ito umano ay tugon ng CHED sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing accessible ang tertiary education sa lahat ng mga Pilipino.

Ayon sa pag-aaral ng komisyon, maraming estudyante sa kolehiyo ang nahihirapan ding magbayad para sa admission test kung kaya’t kakaunti lamang ang mga mahihirap na estudyante ang nakakapasok sa state universities.

Isa sa hinalimbawa ni Chairman Popoy ang UP kung saan pahirap aniya sa mga estudyante ang UP College Admission Test.

“UPCAT is very difficult admission process and maybe we can learn a lot and hope UP will start addressing issues also through this project,” ayon kay J. Prospero de Vera III, Chairman, CHED.

“P250 maybe the different taking the admission test or not ay pambili na ng bigas ng pamilya, ibili na lang natin ng bigas huwag ka mag-test. Sabi ko, bakit hindi natin bayaran ng gobyerno so that student can take as many admission tests as they can so libre na po ang admission test in free Higher Ed at least for the students to take a chance,” dagdag pa nito.

Kabilang pa sa inisyatibo ng komisyon ang pagtukoy sa support services o interbensiyon na maaaring maialok sa mga estudyante na hirap na makapagtapos sa pag-aaral.

Magsasagawa ng research project ang CHED na ikakasa sa tatlong rehiyon sa bansa, kabilang ang Region 1, 8, at 12.

Ilan sa mga SUC na magsasagawa ng research project ang Don Mariano Marcos Memorial State University, Samar State University, at University of Southern Mindanao.

“I think SUCs should go to the different public school in their area and talk during their career day. Bakit hindi niyo pagsalitain ‘yung mga graduate niyo galing sa mga public school and convince them that they go to university,” ani De Vera.

“That would already be a game changer for many poor families,” dagdag pa nito.

Umaasa ang CHED na sa pamamagitan nito ay matutugunan ang mga problema ng mga kapos-palad na estudyante na hirap makapagtapos ng pag-aaral sa mga state university at masigurong walang mapag-iiwanan sa edukasyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble