Mga kasabwat ng pulis na nahuli sa anti-illegal drug operation ng PDEG, tutugisin

Mga kasabwat ng pulis na nahuli sa anti-illegal drug operation ng PDEG, tutugisin

HAHANAPIN ng Philippine National Police (PNP) ang mga kasabwat ng isa nilang tauhan na nahuli sa anti-illegal drug operation.

Ito ay tiniyak ni PNP Drug Enforcement Group (PDEG) director Police Brigadier General Narciso Domingo matapos mahuli si Police Master Sergeant Rodolfo Mayo, Jr. at nakumpiskahan ng 13.6 milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu.

Ang nasabing operasyon ay kasunod ng pagkakadiskubre sa 6.7 bilyong pisong halaga ng iligal na droga sa Tondo, Manila.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin, Jr. na ikakanta ni Mayo ang kanyang mga kasabwat.

Tiniyak naman ni Azurin na magpapatuloy ang internal cleansing program laban sa mga pulis na sangkot sa iligal na gawain.

Follow SMNI NEWS in Twitter