Mga kasinungalingan, trending sa Marcos admin—KOJC Exec

Mga kasinungalingan, trending sa Marcos admin—KOJC Exec

TINAWAG na mga sinungaling ni Sis. Eleanor Cardona, Executive Secretary ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang Marcos administration dahil sa lantarang pambabaliktad ng abusadong gobyerno sa katotohanan.

Hugot ito ni Sis. Cardona dahil sa patuloy na panggigipit ng kapulisan sa mga taga-KOJC dahil sa kagustuhan nilang makuha si Pastor Apollo C. Quiboloy.

“Kung ano ang puno, ‘yun talaga ang bunga. Di ba? So, ang kasinungalingan parang trending na ngayon. Parang wala na lang sa kanila kung magsinungaling,” ani Sis. Eleanor Cardona, Executive Secretary, KOJC.

Ito’y kasunod na rin ng pahayag ni Vice President Sara Duterte laban sa hepe ng Pambansang Pulisya na si Rommel Marbil kung saan tinawag siya ng pangalawang pangulo na sinungaling dahil sa isyu ng pagbawi ng mga security personnel niya.

Binigyang-diin din ni Sis. Cardona na sa simula pa lang ng operasyon ng mga pulis noong June 10, 2024, kung saan nilusob nila nang sabay-sabay ang mga religious compound ng KOJC, hanggang ngayon ay puro kasinungalingan na ang lumalabas; partikular dito si DILG Sec Benhur Abalos, PNP Chief Rommel Marbil, PRO XI Chief Nick Torre at iba pang mga pulis na patuloy na umaaligid sa KOJC.

Marcos Jr., tinatanggalan ng kredibilidad ang kapulisan—KOJC Exec

“Ito ating PNP, una, noong June 10, balikan ko, anong sinabi nila? Kinabukasan, sila ang nag-presscon, sinabi nila obstruction, kami pa ang nag-obstruct, sinabi nila walang massive na force. So ano ang excessive force? Sa kanila, wala daw. Pero ayan, totoo. Oh, si Marbil, si Abalos, lahat ng mga presscon nila baliktad, kabaliktaran. Anong sinabi ni Marbil? Oh ‘di ba. Anong sinabi ni VP Sara? Sinungaling siya. Sinungaling si Marbil. Itong si Torre, kung wala na namang video na nakunan noong pagkahuli kay Pauleen Canada, aba wala silang balak na ipaalam sa atin. Nagsinungaling siya. Ang sinabi niya, wala nasa Buhangin, ‘yun pala nasa Maynila na. Sinabi niya wala sa kanila pero nasa kustodiya na nila. So, kung magsinungaling itong mga pulis na ‘to, parang tubig lang sa kanila, wala silang mga pakialam,” giit ni Sis. Cardona.

“Hindi pa nila kami nilubayan, dito na naman tayo sa pababa, ‘yung mga police na aali-aligid dito. Nandito sila nagche-checkpoint, illegal ‘yung pagche-checkpoint nila tapos tinanong siya, si Robles, “Nandito ka ba? Alam mo ba ‘yung nangyari noong June 10?” Nagalit pa siya, sabi niya wala, wala daw siya dito. Ayan. Tinanong ng ating SMNI na mga news doon sa daan, andito ba kayo? Sabi niya, wala, hindi niya alam. Pero dahil may video nga, huling-huli nandoon siya noong June 10 na siege dito. Nandito siya. Ayan siya oh. Napakasinungaling. Ganito na po ‘yung mga pulis natin, hindi lahat pero ito, natutukoy natin, na kitang-kita, pinapahiya na nila ‘yung PNP nade-degrade, nawawalan na tayo, wala na kayong kredibilidad,” dagdag pa nito.

May mensahe naman si Dr. Lorraine Badoy, dating tagapagsalita ng NTF-ELCAC, kay Marbil nang minsan na nitong sinabing hindi pastor ang lider ng 7-M miyembro ng KOJC na si Pastor Apollo.

 “To add insult to injury, itong si Marbil, PMAer ka pa naman Sir. Napakasinungaling mo at saka bastos, napakabastos no na he said, this liar Marbil said ‘Pastor Quiboloy is not a Pastor, he is a fugitive of the law.’ Imagine, you are rubbing salt in the wounds, and you are insulting the entire congregation? He is not a Pastor? Where did you get that?” ayon naman kay Dr. Lorraine Badoy, Former Spokesperson, NTF-ELCAC.

Marcos Jr., uhaw sa kapangyarihan; Pastor Quiboloy at mga Duterte, pinag-iinitan—Badoy

Punto pa ni Badoy, labis na pinag-iinitan ng Marcos administration si Pastor Apollo at mga Duterte dahilan upang mawala na ang dangal ng mga pulis sa bansa ngayon.

“Bakit ba sobra nilang pinag-iinitan si Pastor, bakit ba nila sobrang pinag-iinitan ang mga Duterte, and you’ll get the answer, it’s political ambition. This lust for power and greed for money, insatiable greed, ito ang nakikita natin ngayon and for me as a doctor I can see clearly that the portals to evil are plenty and one of those is through addiction. This is why when he became president parang he opened the gates of hell and all of these they are not even honorable men anymore,” giit pa ni Badoy.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble